-- Advertisements --
Malaki pa rin ang respeto ni Australian mixed martial arts fighter Antonio Caruso kay Filipino fighter Eduard Folayang.
Ito ay matapos na talunin ni Cauroso ang Pinoy Fighter sa three-round showdon noong nagdaang linggo.

Sa kaniyang social media, nagpost ito ng larawan na kasama si Folayang matapos ang laban.
Nakasuot pa ito ang Australian fighter ng Team Lakay t-shirt at may caption na with may “idol”.
Dagdg pa ng 29-anyos na fighter na malaki ang respeto nito ka Folayang.