Ibinida ngayon ni National Capital Region Police Office Chief PDir. Camilo Cascolan ang pagbaba ng crime rate sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Cascolan na mula nang manungkulan siya sa pwesto ay bumaba na ang kaso ng index crimes.
Sakop nito ang petsa mula April 16 hanggang May 20, 2018.
Pahayag nito na bumaba sa 1,255 ang mga krimen na kanilang naitala mas mababa sa 1,678 na krimen sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ang index crimes ay nakatuon sa walong krimen na kinabibilangan ng murder, homicide, rape, robbery, theft, physical injury, carnapping ng motor vehicle at carnapping ng mga motorsiko.
Batay sa Weekly Average Crime Trend ng NCRPO Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), lumalabas na ang Average Crime Rate ay bumaba ng 29.29%.
Pinakamababa dito ang petsa ng May 14 hanggang May 20, 2018 kung saan naitala ang pinakamababa na average weekly crime rate simula ng Duterte Administration.
Nakapagtala ang NCRPO ng 231 cases kung saan 21 dito ay murder, Homicide-11, Physical injury-38, Rape-15, Robbery-41, Theft-95, Carnapping of motor vehicle-1 at Carnapping of motorcycle -9