-- Advertisements --

No comment si PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10, 2020.

Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol sa kanyang nalalapit na pagreretiro, na limang araw nalang mula ngayon, pero anuman ang desisyon ng Pangulo ay kanyang susundin.

Una naring nagsumite si DILG Secretary Eduardo Año ng shortlist sa Pangulong Duterte na kanyang mga rekomendasyon para maging susunod na PNP chief.

Nang tanungin kung sino ang kanyang irerekomenda, sinabi ni Cascolan na ang lahat ng miyembro ng kanyang “dream team” ay kwalipikadong maging PNP chief.

Ang tinutukoy ni Cascolan na “dream team” ay ang tatlong pinaka-senior members ng kanyang command group na sina PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar na number 2 man ng PNP; si PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Cesar Hawthorn Binag na number 3 man, at si PNP chief of Directorial Staff Maj. Gen. Joselito Vera Cruz.

Alinsunod sa batas ang lahat ng one-star general pataas ay eligible na maging PNP chief.

Dagdag pa ni Cascolan, kumpiyansa siya na sinuman ang maging susunod na PNP chief ay maipagpapatuloy nito ang mga programa ng PNP.