Nagsasagawa na ngayon ng case build up ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga personalidad na tumulong kay Ardot Parojinog para makalabas ng bansa.
Pinaghahanap na ngayon ang mga nasabing indibidwal para masampahan ng kaso.
Tumanggi namang magkomento ni PNP-CIDG chief Roel Obusan kaugnay sa ulat na isang Filipino-Chinese gambling lord ang tumulong kay Ardot para makalabas ng bansa at maging doon sa bansang Taiwan.
Sinabi ni Obusan na alam na nila ang circumstances kung papaano nakaalis ng bansa si Ardot pero hindi muna nila ito isapubliko dahil kanila ng pinaghahanap ang mga indibidwal na tumulong kay Ardot.
Nakatakda namang bumiyahe ngayong linggo sina CIDG chief Obusan at PDEG director CSupt. Albert Ignatius Ferro sa bansang Taiwan para asikasuhin ang deporatation ni Parojinog.
Sa ngayon nananatili pa rin ito sa kustodiya ng Taiwanese Police at hindi pinapayagan na makausap at mabisita.
Aminado si PNP chief Oscar Albayalde na posibleng matatagalan ang pag deport kay Ardot pabalik ng bansa dahil may proseso itong sinusunod.
Ayon kay Albayalde, mahalagang makausap si Ardot at maibalik ng bansa.
Aniya, nais kasi malaman ng PNP ang lawak ng kuneksiyon ni Ardot.