Nakahandang magbigay ng tulong pinansyal ang Department of Human Settlement and Urban Development sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol region.
Sa isang pahayag, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na magmumula sa kanilang Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ang pondo para sa tulong pinansyal.
Makatatanggap ang bawat pamilyang nawalan ng tirahan ng aabot sa P30,000 habang tig P10,000 para sa mga residente na bahagyang nasira ang bahay.
Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng kanilang mga regional offices sa mga lokal na pamalahan na apektado ng bagyo sa rehiyon.
Layon ng hakbang na ito na mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga kwalipikadong pamilya sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program.
Batay sa datos , aabot sa P15 milyon ang inilaan sa Region 5 kabilang na sa Camarines Sur at lalawigan ng Albay.
Samantala, patuloy na pinoproseso ng DHSUD ang ayuda na ihahatid sa iba pang mga lugar na labis na naapektuhan ng nagdaang sama ng panahon.