Kinumpirma ng Gobernador ng Oriental Mindoro na pinalawig pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang buwan ang cash assistance program para sa mga apektadong munisipalidad sa lalawigan dahil sa oil spill.
Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor na magtatagal ng 45 araw ang first wave ng cash for work program.
Sa ilalim ng naturang programa, ang mga residente ay naatasan na mangolekta ng mga materyales na gagamitin para sa paggawa ng improvised spill booms at oil absorbents.
Inihayag pa ni Governor Dolor na makakatulong ang naturang programa sa 14,504 residente na apektado ng tumagas na langis kung saan babayaran ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng regional minimum wage kada limang araw.
Ang cash for work program ng DSWD ay isang short term intervention na naglalayong mabigyan ng pansamantalang kabuhayan ang mga distresses o displaced individuals bago, sa kasagsagan at pagkatapos ng kalamidad.