LAOAG CITY – Hiling ni Sen. Imee Marcos na ang cash assistance ng gobyerno tulad ng Aid to Individuals in Crisis Situation o AICS ay dapat ibigay sa mga karapat-dapat na benepisyaryo at hindi maapektuhan ng pamumulitika.
Ayon sa kanya, ang pangunahing makikinabang ay ang mga magsasaka, mga estudyante, tricycle driver at iba pa na pinakaapektado ng pandemya ng COVID-19.
Nadidismaya daw siya dahil maraming hadlang sa pag-apruba ng pondo para sa kanyang Makabasa Program.
Kaya naman, maraming estudyante ang nakapagtapos ngunit hindi man lang nakinabang sa nasabing programa.
Samantala, sinabi ni Sen. Marcos na may ipapamahaging cash assistance ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.