Umaabot na sa mahigit kalahati ng target na mga benepisaryong rice retailers ang nabigyan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na 7,000 rice retailers ang nasa listahan ng Department of Trade and Industry (DTI), na pasok sa kanilang programa.
Nasa P15,000 ang livelihood assistance na nakalaang ibibigay sa bawat retailer ng bigas.
Sa ngayon, sinabi ni Punay na mahigit 4,000 na ang kanilang nabigyan ng nasabing halaga.
Pero tuloy-tuloy lamang aniya ang pamamahagi, hanggang sa katapusan nitong Setyembre 2023.
Una nang nakakuha ng exemption sa Comelec ang DSWD para sa naturang programa dahil ito ay targeted program ng pamahalaan.
Matatandaang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may kagustuhang maipatupad ang price cap, kaya nagkaloob din ng ayuda sa mga