Ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pag-operate sa cash-based budgeting scheme hanggang sa susunod na taon.
Sinabi ito ni Department of Budget and Management (DBM) Asec. Rolando Toledo sa oversight meeting ng House appropriations committee ngayong araw ukol sa budget priorities framework para sa fiscal year 2020.
Kapag cash-based ang budgeting system ng pamahalaan, obligado ang iba’t ibang ahensya na gamitin ang kabuuan ng kanilang pondo sa loob ng isang taon.
Kaya tanging ang mga “implementation-ready programs and projects” lamang ayon kay Toledo, ang makokonsidera sa magiging national budget para sa 2020.
Dagdag nito na plano ng pamahalaan na itaas sa P4.1 trillion ang pondo para sa susunod na taon o 9.1 percent na mas mataas, kompara sa P3.757 trillion 2019 national budget.
Kabilang sa magiging priority programs at projects para sa susunod na taon ay ang ang mga bagong buong batas katulad na lamang ng Universal Health Care Act, Bangsamoro Organic Law, Rice Tariffication Law, Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act, Department of Human Settlements and Urban Development.
Sakop din nito ang iba pang priority initiatives gaya ng implementasyon ng K-12 at g technical and vocational programs, Universal Access to Quality Tertiary Education Act, unconditional cash transfer, Risk Resiliency Programs; at coastal resources management.