-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakatakdang magsimula ang 70 cash for work beneficiaries na residente ng Barangay Kilagasan Kabacan North Cotabato.

Sa isinagawang briefing ng Municipal Social Welfare and Development Office sa mga partisipante, hinikayat ni MSWDO Officer Susan Macalipat ang BLGU na gamitin ng maayos ang mga benepisyaryo at ituon ang kanilang serbisyo sa disaster preparedness at climate mitigation tulad ng paglilinis ng kanal.

Siniguro din ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman na personal itong magrerequest kay Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ng tulong sa mga kailangan ng benepisyaryo tulad ng dumptrack na lalagyan ng kanilang dumi sa paglilinis.

Nagpaalala din si Macalipat na kailangang maayos ang documentation upang hindi mahirapan ang DSWD na ilabas ang bayad ng mga benepisyaryo.

Magtatagal ng 10 araw ang cash for work at inaasahang tatanggap ng abot mahigit 3,000 ang bawat benepisyaryo.

Nagbahagi naman ng basic response demonstration ang MDRRM sa mga benepisyaryo ng cash for work.

Samantala,laking pasasalamat ng limampu’t isang (51) pamilya mula sa Sitio Kumpra Brgy Kilagasan sa bayan ng Kabacan matapos na mapagkalooban ang mga ito ng relief goods.

Ang nasabing relief goods ay naglalaman ng bigas, delata, kape, banig, at malong. Ito ay sa pakikipagtulungan ng DSWD XII.

Pinangunahan naman ni ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman ang pamamahagi kasama ang MSWDO, MDRRM, at BLGU-Kilagasan.

Nagkaloob din ng limampung laminated sacks (trapal) ang LGU at DSWD0 sa nasabing barangay upang maipamahagi sa mga nangangailangan sa Sitio Kumpra.