Nagsimula na ang Cash for work program ng Department of Social Welfare and Development para sa 70 na residente ng Brgy., Pola Oriental Mindoro, karamihan sa nakilahok ay mga mangingisda.
Sila ang higit na apektado sa nasabing oil spill dahil hindi maaaring makapalaot bunsod ng fishing ban na ipinatutupad doon.
Nasa mahigit 14,000 individuals naman ang target na mabigyan ng tulong ng ahensya.
Bilang paunang aktibidad ay nangolekta ng iba’t ibang mga kagamitan ang mga residente upang gawing oil spill boom na makatutulong upang mapigilan ang pagkalat ng langis sa iba pang karatig na bayan.
Samantala, ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development ang Targeted Cash Transfer program kasabay ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at ilan pang mga bilihin.
Matatandaan na ang programang ito ay nagtapos noong nakaraang taon dahil sa limitadong pondo ngunit ayon sa direktiba ng pangulo, kailangan umano itong ipagpatuloy.
Target nito na matulongan ang 9.3 million na mga tao, kabilang na dito ang poorist of the poor, mga senior citizens at indigent.
Tiniyak naman ng ahensya na walang dapat ikabahala ang mga tao pagdating sa pondo para sa relief operations dahil ito ay available parin at handa sila para sa distribution ng mga ayuda sakaling ito ay kailanganin.