CENTRAL MINDANAO-Patuloy ang isinasagawang orientation ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa mga barangay at benepisyaryo ng Cash for Work sa Kabacan Cotabato.
Ayon kay MSWD Susan Macalipat, mayroong 560 na benepisyaryo sa buong bayan na kinabibilangan ng walong barangay.
Ang mga tinutukoy na barangay ay ang Brgy. Kilagasan, Brgy. Dagupan, Brgy. Cuyapon, Brgy. Osias, Brgy. Aringay, Brgy. Kayaga, Brgy. Lower Paatan, at Brgy. Poblacion. Bawat barangay ay mayroong 70benepisyaryo.
Inaasahan na magsisimula sa lalong madaling panahon ang iaatas na trabaho sa mga benepisyaryo.
Samantala, hinimok naman ni ABC Evangeline Pascua-Guzman ang mga Punong Barangay na isaalang-alang ang pagsunod sa mga health protocol sa mga aktibidad ng cash for work.
Samantala,abot sa 75 benepisyaryo ang dumalo sa pagsisimula ng 14days training sa inbred rice and farm mechanization.
Ang nasabing mga benepisyaryo ay mula sa mga Irrigators Association sa bayan.
Ayon kay SB Committee Chair on Agriculture Leah Saldivar, lubos ang pasasalamat nito na napili ang mga magsasaka ng bayan sa Kabacan na maging benepisyaryo ng nasabing aktibidad.
Bilang isang magsasaka, malaki ang maitutulong ng nasabing kaalaman sa mga ito, ayon naman kay Cons. Raymundo Gracia.
Inaasahan na sa pagtatapos ng nasabing training ay mas magiging ekwipo sa kaalaman at skills ang mga magsasaka na magkakaroon pa ng certificate mula sa TESDA.
Magpapatuloy ang mga proyekto ng LGU-Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr at ibang ahensya ng gobyerno sa sinusulong na Unlad-Kabacan.