-- Advertisements --
Duterte Diaz Yulo Petecio Obiena Diaz
President Rodrigo Duterte strikes his signature pose with Filipino athletes who have brought home medals from various international competitions, gymnast Carlos Edriel Yulo, woman boxer Nesthy Petecio, paul vaulter Ernest John Obiena, weightlifter Hidilyn Diaz and boxer Eumir Felix Marcial (file Presidential photo/PCOO/Richard Madelo)

May nag-aantay na cash incentives sa mga Pinoy athletes na makakasungkit ng medalya sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na pormal na gagawin ang kick off sa November 30.

Batay sa Republic Act 10699 o ang tinaguriang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang bawat SEA Games gold medalists ay dapat bigyan ng gobyerno ng P300,000, ang silver medal naman ay may katumbas na P150,000 habang ang Pinoy athlete na makakasungkit ng bronze medal ay merong nag-aantay na P60,000.

Doon naman sa mga team event lalo na ang may apat na miyembro na atleta o mas mababa pa, paghahatian nila ang cash incentives.

Sa Philippine team naman na may mahigit sa lima ang miyembro, halimbawa na lamang sa basketball, ang bawat player ay tatanggap ng cash na 25 percent mula sa katumbas na individual cash incentives.

Noong 2017 SEA Games sa Malaysia ang biggest winner ay ang double-gold performer na si Trenten Anthony Beram na namayagpag sa men’s 200m at 400m sa track and field kung saan tumabo ito sa kanyang naibulsang cash prize na umabot sa P600,000.

Onyok Velasco stamp
Olympic silver medalist Onyok Velasco 2017 stamp

Sa naturang SEAG ang partisipasyon ng Team Pilipinas ay itinuring na isa sa “worst finish” sa loob ng 18 taon nang pumuwesto lamang sa 6th place matapos makatipon ng 23 gold medals, 33 silvers at 64 bronze.

Kung pagbabasehan pa rin ang patakaran sa expanded coverages sa mga incentives na tuluyang naging batas noong November 13, 2015, mas malaking halaga ang nakalaan sa ASIAN Games na aabot sa isang milyong piso sa gold medal, habang ang government bonus na P500,000 ay para sa silver medalist at P300,000 naman sa bronze winner.

Sa kabilang dako hindi lamang ang mga atleta ang binibigyan din nang pagpapahalaga ng pamahalaan kundi maging ang mga coaches at mga atleta na person with disabilities (PWDs) na nagbibigay karangalan sa bansa lalo na sa malalaking international competitions.

“Coaches of national athletes shall also be entitled to cash incentives if they have personally trained and rendered service to the athletes or teams who win in international competitions at least six (6) months prior to the international competition,” bahagi nang nakasaad sa batas. “The incentives for the coaches shall be equivalent to fifty percent (50%) of the cash incentives for gold, silver and bronze medalists. In case of more than one (1) coach, the cash incentives shall be divided among themselves.”

Samantala ang mailap na gold medal sa Olympics, na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapag-uwi na sinumang atleta, ay tumatagingting na P10 million ang incentive na nag-aantay.

Ang silver medalist ay kukubra ng P5 million, habang ang bronze medal winner ay paglalaanan ng gobyerno ng P2 million.

Sa ngayon tatlong mga Filipino athletes pa lamang ang nagmuntikan na sa gold medal para sa Pilipinas sa Olimpiyada.

anthony villanueva stamp
Olympic silver medalist Anthony Villanueva stamp

Sila ay sina Mansueto “Onyok” Velasco sa boksing noong 1996 Atlanta Olympics, yumaong si Anthony Villanueva na nanalo rin ng silver medal sa 1964 sa Tokyo at noong 2016 Summer Olympics nang masungkit naman ni Hidilyn Diaz ang silver medal sa women’s 53-kg weight division.

Natuldukan ni Diaz ang 20 taon na “medal drought” ng Pilipinas sa Olympics.