-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng cash remittances mula sa overseas Filipinos na idinadaan sa mga banko.
Sa buwan pa lamang ng Mayo ay umabot na sa $2.58 bilyon ang OFW cash remittances o mas mataas ng $2.49-B na naiulat noong Mayo 2023.
Mula Enero lamang hanggang Mayo ay mayroong kabuuang $13.37 bilyon o tumaas ng 3 percent mula sa $12.98-B sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Karamihan na pagtaas ay nanguna dito ang US na sinundan ng Singapore at panghuli ay ang Saudi Arabia.
Sa loob din ng limang buwan ay tumaas ng 3.7 percent ang kabuuang pesonal remittances na may katumbas na $2.88 bilyon.