-- Advertisements --

Umabot sa $2.502 billion ang cash remittances na idinaan sa bangko mula sa mga Filipino na nasa ibang bansa noong Nobyembre 2021.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na ito ay mas mataas ito kung ikukumpara sa Nobyembre 2020 na mayroon lamang $2.379 bilyon.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2021 ay mayroong $28.43 biliyon ang cash remittance o 5.2 percent na mas mataass sa parehas na panahon noong 2020 na mayroon lamang $27.013-B.

Nanguna dito ang US na sinundan ng Taiwan at Malaysia.

Tumaas din ang personal remittance ng 4.8 percent na katumbas ng $2.77 bilyon noong Nobyembre kumpara sa $2.643 bilyon sa parehas rin na buwan noong 2020.