Nakabawi ang cash remittance mula sa overseas Filipinos sa bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong 7.7 percent ang pagtaas nito noong buwan ng Hunyo.
Mula aniya noong Enero hanggang Hunyo ay pumalo na sa $14 billion na mas mababa sa 4.2 percent kumpara sa parehas na buwan noong 2019.
Ang pagtaas ng remittances noong Hunyo ay mula sa 14.2 percent ng remittances mula sa land-based workers.
Habang bumagsak naman sa 13.1 percent ang sea-based workers.
Ang dahilan ng pagbagsak ng sea-based workers remittance ay dahil pagpapauwi ng karamihang sea-based workers bunsod ng coronavirus pandemic.
Ang pinakamalaking sources ng remittance sa unang anim na buwan ng taon ay mula sa US, Japan, Singapore, Oman at Taiwan.
Bumagsak naman ang remittances mula sa mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Germany at United Kingdom.