-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng cash remittance mula sa mga Filipino na ipinadaan sa mga banko noong buwan ng Agosto.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas na mayroong 5.1 percent o katumbas ng $2.609 biliyon ang m ga cash remittance mula sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Mas mataas ito sa parehas na buwan noong 2020 na mayroon lamang na $2.483 bilyon.
Itinturong dahilan nito ay ang pagtaas ng remittance mula sa land-based workers at sea-based workers.
Nanguna dito ang mga padalang pera ng mga Filipino mula sa US, Malaysia at South Korea.