-- Advertisements --
Patuloy ang pagtaas ng mga remittance mula sa overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nitong buwan lamang ng Setyembre ay mayroong 3.3 percent ang pagtaas.
Isa sa dahilan dito ay ang nalalapit na holiday season sa bansa at ang magandang palitan ng peso sa dolyar.
Ang personal remittance lamang ay pumalo na sa $3.34 bilyon noong Setyembre na ito ay mas mataas ng $107 milyon na mayroon kabuuang $3.23 -B na noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Mayroon naman $3.01 bilyon ang kabuuang halaga ng remittance na naipadala sa pamamagitan ng bangko.
Naniniwala ang BSP na sa mga susunod na buwan ay patuloy ang pagtataas ng mga remittance sa bansa.