-- Advertisements --
Tumaas ang cash remittances mula sa overseas Filipinos sa unang limang buwan ng taong ito.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nagtala sila ng $12.3 Billion na remittance mula Enero hanggang Mayo 2019.
Mas mataas ito ng 4.5 percent sa parehas na panahon noong 2018.
Mayroong pagtaas din ang naitala sa personal remittances na umabot sa $2.9 billion sa Mayo 2019 mas mataas ng 5.5 percent sa parehas na period noong nakaraang taon.
Nanguna ang United States sa bansang may pinakamalaking source ng remittance.
Sinundan ito ng Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Qatar at Kuwait.