-- Advertisements --

Tumaas noong buwan ng Nobyembre 2024 ang cash remittances sa Pilipinas mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Batay sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) umabot sa 3.3 percent ang pag-angat nito sa kabila ng panghihina ng halaga ng peso kontra sa dolyar.

Ito ang tinatawag na depreciation.

Lumalabas sa data mula sa BSP na ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay tumaas ng 3.3 percent ng hanggang $2.81 billion US dollars.

Mula yan sa $2.72 billion sa kaparehong buwan noong taong 2023.

Sa kabila nito, ang halaga ng remittances noong Nobyembre ang pinakamababa kung pagbabasehan naman ang nakalipas na anim na buwan.

Nabatid na nasa $2.58 billion US dollar ito noong buwan ng Mayo.

Ang buhos ng mga ipinapadala ay nagmula sa United States, Saudi Arabia, Singapore, at sa United Arab Emirates (UAE).

Habang may mga naitatala rin mula sa ilan pang Asian countries.