Sisimulan ng Bureau of Corrections (BuCor ) ang cashless policy sa operasyon ng prison at penal farms sa buong bansa sa susunod na buwan.
Ang nasabig hakbang aniya ay para masawata na ang pagdami ng mga iligal na aktibidad na may kinalaman sa pera.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr na ang mga inmates o persons deprived of liberty ay unang pinapayagang humawak ng pera habang tinatapos ang sentensya bilang pagkilala sa kanilang karapatang pantao.
Ang kanilang pera ay mula sa livelihood programs o kanilang mahal sa buhay para tulungan sa kanilang basic needs.
Dahil dito ay nakatanggap ng impormasyon si Catapang na ang pera ay ginagamit nila sa iligal na transaction sa loob ng piitan kay napilitan silang magpatupad ng ‘cashless zone’.
Lahat aniya ng mga PDL at Corrections Officers na nakatalaga na magbantay sa security compound ay hindi papayagang makahawak ng pera at kanila itong kukumpiskahin kung nagkaroon man sila.
Mayroon silang booklet na ibibigay sa bawat PDL gaya ng ibinibigay sa mga commercial banks at ito ay maaring maibili sa mga pagkain sa loob ng kulungan.
Maari lamang na magkaroon ng P2,000 na laman ito kada linggo.