-- Advertisements --

Handang hintayin ng kampo ni WBO bantamweight champion John Riel Casimero si Japanese boxer Naoya Inoue hanggang sa Hulyo.

Ito ay matapos na makansela ang laban ng dalawa ngayong buwan dahil sa coronavirus pandemic.
Malabong ituloy ang nasabing laban kahit walang audience dahil magkaiba ang lugar ng dalawa, sa US nagsasanay si Casimero habang si Inoue ay nasa Japan pa.

Sinabi ni MP Promotions president Sean Gibbons na makakaharap pa rin ni Casimero si Inoue hanggang Hulyo.

Nauna ng inalok ni Top Rank big boss Bob Arum na harapin na lang ni Casimero si American boxer Joshua Greer.