-- Advertisements --
Handang lumipad patungong Japan si Pinoy boxer John Riel Casimero para makalaban si Naoya Inoue.
Ito ay matapos na hindi natuloy ang laban ng dalawa na nakatada noon Abril.
Ayon sa WBO bantamweight world champion na susunod siya sa anumang desisyon ng promoter na si Top Rank CEO Bob Arum.
Una kasing ipinanukala ni Arum na magtungo si Casimero sa Japan kung saang kasalukuyang nasa Las Vegas ito.
Tiniyak din ng Pinoy boxer na kaya niyang talunin ang sinuman basta mapaghandaa niya ang mga ito.