-- Advertisements --

Tuloy na ang laban ni dating three-division world champion John Riel Casimero kay WBO global super bantamweight champion Filipus Nghitumbwa.

Gaganapin ang laban sa darating na Mayo 13 sa Okada Manila.

Mayroong 32 panalo at apat na talo na may 22 knockouts ang record ni Casimero kung saan huling nakalaban nito ay si Ryo Akaho na kaniyang pinatumba sa ikalawang round noong Disyembre.

Habang si Nghitumbwa ay mayroong record na 12 panalo at isang talo na may 11 knockouts.

Ang nasabing laban ay siyang unang pagkakataon na laban ni Casimero sa bansa mula noong 2019 ng talunin niya si Cesar Ramirez sa pamamagitan ng 10th round knockouts.