-- Advertisements --

Naka-score ng knockout victory si John Riel Casimero laban kay Saul Sanchez sa unang round pa lamang sa laban nito sa Japan nitong Linggo.

Bago pa man ang kaniyang panalo ay humarap muna sa mga problema ang boksingero pagdating nito sa kaniyang timbang.

Dalawang beses kasing sumobra sa limit ang timbang ni Casimero bago pa man ito sumabak sa match kontra kay Sanchez.

Dahil na rin sa rules ng Japan Boxing Commission ay pinagbigyan sa pangatlong pagkakataon si Casimero na magkaroon ng huling weigh-in bago ito sumalang sa laban, kung saan dito ay pumasok na sa limit ang timbang at nabigyan na ng clearance na makatungtong sa boxing ring ang Filipino boxer.

Hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon ang boxer at tinapos agad ang paghaharap nila ng katunggali sa unang round pa lamang.

Samantala, ang panalo niyang ito ay nakapagpatingkad sa karera niya bilang boksingero kung saan mayroon na siyang naitalang record na 34 wins, 4 loses at 1 draw kung saan 23 sa mga naitalang panalo ay via knockout.