-- Advertisements --
Johnriel Casimero
Johnriel Casimero/ FBphoto

Pinatumba ni Johnriel Casimero ang kalaban nitong si Ricardo Espinoza ng Mexico para makuha ang World Boxing Organization (WBO) interim world bantamweight title.

Sa unang round ay naging mabagal si Casimero pero pagpasok ng mga sumunod na round ay nakabuwelo na ito sa laban na ginanap sa Carson, California.

Inamin nito na talagang nahirapan siya subalit nalusutan niya ang nasabing depensa ng kalaban.

Pagpasok lamang ng 12 round ay doon na pinaluhod ng Ormoc City native ang Meksikano.

Dahil sa panibagong panalo, mayroon ng natipon ang Pinoy champion na 27 panalo, apat na talo na may 18 knockouts.

Habang mayroong 23 panalo, tatlong talo na may 20 knockouts ang 21-anyos na si Espinoza.