-- Advertisements --

Sa naging pagharap ni Cassandra Li Ong sa pagdinig sa Kamara, nanindigan ito na wala siyang kinalaman sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa at tanging real estate ay kanyang negosyo.

Aminado ito na siya ay incorporator siya na Whirlwind Corporation bagamat umuupa lamang sa kanila ang Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Tumanggi si Ong na magsalita nung una siyang tanungin ng mga mambabatas ngunit kalaunan ay nagsalita ito ng patawan siya ng ikalawang contempt order.

Ayon kay Ong , kasintahan siya si Wesly Guo na kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo.

Noon aniya ay iisa lamang ang may-ari ng Whirlwind at Lucky South 99 habang ang Lucky South 99 ang unang nakapag rehistro sa Securities and Exchange Commission.

Ito ang dahilan kung bakit nasa dalawang lease agreement ang kanyang pirma.

Sa kabila nito ay nilinaw rin ni Ong na hindi sila malapit ni Alice Guo sa kabila ng pagiging magkapatid nito ng kanyang nobyo na si Wesly Guo.