-- Advertisements --

Nailipat na ng detention facility si Cassandra Ong, ang sinasabing incorporator ng Whirlwind Coporation at representative ng Lucky South 99 na pawang mga POGO company.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, Miyerkules ng hapon nang ilipat si Ong sa women’s correctional sa Mandaluyong.

Matatandaan na noong nakaraang pagdinig ng Quad Committee, ay muling ipina contempt ng komite si Ong dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa kung saang paaralan siya nagtapos ng ALS o alternative learning system.

Pero imbes na sa detention facility ng Kamara ay sa women’s correctional facility na siya makukulong.

Tinapos muna ni Ong ang una nitong contempt order na tatlongp ung araw na detention sa Kamara na nagtapos kahapon, bago nailipat ng pasilidad.