Nailipat na sa Correctional Institution for Women (CIW) si Katherine Casandra Ong.
Kinumpirma ito ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco subalit mananatili sa kanila pa rin ang jurisdiction bilang isang resource person.
Papayagan din ito ng gumamit ng cellphone dahil hindi pa ito convicted subalit hiwalay ito sa mga inmates bunsod ng banta umano sa buhay nito.
Magugunitang noong Setyembre 10 sa ika-anim na quad-committee hearing ay inaprubahan nilaang motion na ma-contempt si Ong.
Lagi kasi ito ng umiiwas sa mga tanong ng mga mambabatas ukol sa kaniyang educational background.
Ito na ang pangatlong contempt order laban kay Ong na ang una ay dahil sa hindi nito pagdalo sa hearing at ang pangalawa ay binawi rin matapos na mangako na ito ay makikipagtulungan na.
Naniniwala kasi ang mga mambabatas na si Ong ay isang mahalagang resource person sa isinasagawa nilang imbestigasyon ukol sa Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa Porac, Pampanga.
Nagtrabaho kasi si Ong sa Whirlwind at Lucky South 99.
Mayroong 58 percent na share si Ong sa Whirlwind na pinapaupa ang lupa sa Lucky South 99 na isang POGO hub.