-- Advertisements --

Kinumpirma ng House of Representatives na tuluyan nang inilipat sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City ang kustodiya ni Cassandra Ong.

Si Ong ay siya umanong authorized representative ng Lucky South 99.

Ito na ang pangalawang beses na nacontempt si Ong dahil sa pagsisinungaling sa mga mambabatas hinggil sa kanyang educational background.

Nagdesisyon ang komite na ilipat si Ong sa regular jail matapos nitong sabihin na mas mabuti pang makulong siya sa halip na dumalo sa mga susunod na pagdinig.

Kaugnay nito ay tiniyak ng Bureau of Corrections na hindi isasama si Ong sa mga convicted inmate sa kanilang pasilidad.

Ayon kay BuCor Director Gen. Gregorio Catapang Jr, mag-isang ilalagay si Ong sa kanyang selda.

Papayagan rin itong gumamit ng cellphone dahil hindi naman siya convicted sa anumang kaso.