-- Advertisements --

Suportado ng cast at crew ng pelikulang “Rust” ang actor na si Alec Baldwin.

Ito ay matapos ang nangyaring aksidenteng pagkakabaril na nagdulot ng pagkasawi ng cinematographer ng pelikula.

Sa kaniyang social media account, nagpost ang beteranong actor ng sulat mula sa crew ng pelikula.

Nakasaad sa sulat na mataas pa rin ang moral ng actor at naging patas ang kaniyang pagtatrabaho.

Ang nasabing sulat ay pirmado ng 25 mga cast at crew members.

Magugunitang napatay si Halyna Hutchins ang cinematographer ng pelikula ng aksidenteng pumutok ang baril na gamit ng actor sa pelikula.

Hiling ng grupo na gumawa na lamang ang mga otoridad ng nararapat na batas para hindi maulit pa ang insidente.