-- Advertisements --

Nanawagan ng negosasyon si Catalonia president Quim Torra sa gobyerno ng Spain matapos ang ikalimang sunod na gabi ng karahasan sa Barcelona at sa iba pang bahagi ng rehiyon.

Kaugnay pa rin ito sa galit ng mga mamamayan makaraang ikulong ang mga separatist leaders ng Catalan.

Ayon sa local police, mahigit kalahating milyong katao ang dumalo sa pro-independence protest sa kabisera ng Catalan para sa isang mapayapang martsa.

Ngunit sumiklab ang kaguluhan kung saan nagsindi ng apoy ang mga ralyista, na nauwi sa pagkakakulog ng 64 katao at 89 iba pa ang sugatan, ayon sa isang tagapagsalita ng Interior Ministry.

Sa isang press conference, hinimok ni Torra si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na magtakda ng araw at oras para sa isang diskusyon.

“It is their responsibility and obligation. It is more urgent than ever. We have long demanded it for a political resolution to the conflict,” wika ni Torra.

Tumugon naman ang Spanish government na kailangan muna ni Torra na mariing ikondena ang karahasan, na hindi pa raw nito nagagawa. (CNN)