-- Advertisements --
Idinagdag na rin ang Catanduanes na bahagi Bicol region sa mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one, maliban pa sa Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa layong 505 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay pa rin ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang ito nang pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Kung mananatili sa kaniyang direksyon, maaaring tumbukin ng landfall nito ang lalawigan ng Isabela.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng signal number one ay makakaranas ng mga pag-ulan at pabuso-bugsong hangin.