LEGAZPI CITY – Personal na maglilibot sa mga coastal barangay at iba pang risk areas bukas, Nobyembre 30 ang isang alkalde sa Catanduanes upang paalalahanan ang mga kababayan na maghanda sa epekto ng Bagyong Kammuri.
Sinabi ni Panganiban Mayor Cesar Robles sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagpatawag na nin meeting kaninang hapon upang matalakay ang hakbang sa naturang sama ng panahon.
Mayroon na rin aniya itong mga pinirmahan na sulat bilang abiso sa mga barangay na bantayan ang seguridad ng mga residente.
Ayon kay Robles, pinaghahanda an staff ng disaster management council at response team sa pagpapaliwanag sa mga tao na lumikas lalo na kung nasa flood-prone at landslide-prone areas.
Kabilang sa mga pinabantayan ang mga barangay ng Cabuyuan, San Miguel, Burabod at iba pang coastal areas.
Aminado ang opisyal na hindi mawawala ang pangampa ng mga residente lalo na at matagal na panahon na ng huling maramdaman sa bayan ang malakas na epekto ng bagyo.
Samantala, naramdaman na aniya kagabi ang malakas na hangin sa naturang bayan.