LEGAZPI CITY – Nagpatupad ng temporary ban sa mga buhay na baboy at pork products ang Catanduanes dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Sa ibinabang Executive Order 12 ni Acting Governor Shirley Abundo, hindi muna papayagang makapasok ang mga karneng mula sa ibang lalawigan sa Bicol.
Inilahad ni Catanduanes Provincial Health officer Dr. Jane Rubio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, pinaigting rin aniya ang mga inilatag na checkpoints lalo na’t may direktang biyahe patungong Camarines Sur ang island province, na una nang nagkumpirma ng ASF-positive na baboy.
Magdaragdag rin ng animal quarantine checkpoints bukod sa Virac at iba pang coastal areas.
Wala pang nakikitang problema sa suplay ng baboy sa ngayon dahil marami ring hog raisers ang lalawigan.
Subalit sakaling kulangin, maaari naman aniyang i-lift ang ban.