Bahagyang lumalakas ang tropical depression Quinta habang tinutumbok ang pa rin ang rehiyon ng Bikol.
Dahil dito itinaas na ng Pagasa ang signal number 1 sa probinsiya ng Catanduanes habang tinatahak nito ang direksiyon na west northwestward sa bilis na 30 kms per hour.
Huling namataan ng Pagasa ang bagyo sa layong 660 kms east ng Catarman, Northern Samar o nasa 730 kms east ng Juban, Sorsogon.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kms malapit sa gitna at merong pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kms per hour.
Sa pagtaya ng Pagasa inaasahan na magla-landfall ang sentro ng bagyo sa Bicol region sa pagitan ng bukas ng gabi at Lunes ng madaling araw.
Sunod namang tatahakin ng sama ng panahon ang southern Luzon.
Nagbabala naman ang Pagasa na sa loob ng 12 oras ay lalakas pa ito at magiging isang severe tropical storm na bago ang landfall.
Forecast Position:
24 Hour(Tomorrow morning): 320 km East of Virac, Catanduanes(13.6 °N, 127.2 °E)
48 Hour(Monday morning):In the vicinity of Libmanan, Camarines Sur( 13.6 °N, 123 °E)
72 Hour(Tuesday morning): 265 km West of Ambulong, Batangas( 13.9 °N, 118.6 °E)
96 Hour(Wednesday morning):665 km West of Subic, Zambales (OUTSIDE PAR)( 14.9 °N, 114.1 °E)
120 Hour(Thursday morning):1,020 km West of Northern Luzon (OUTSIDE PAR)( 15.7 °N, 110.8 °E)