-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Catanduanes alas-2:04 kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), lalim itong 31 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Natukoy ang eicenter ng lindol sa layong 51 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Panganiban.
Samantala naitala naman ang ang Instrumental Intensity II sa Legazpi City.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks anumang oras.
Wala namang naitalang nasugatan o pinsala dahil sa naturang pagyanig.