-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati mula sa kasamahan nito sa gobyerno sa iba’t-ibang ahensiya matapos ang permanenteng pagtatalaga na kay Bureau of Correction (BuCor) chief Gregorio Catapang Jr.

Nitong Huwebes kasi ay pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang appointment paper ni Catapang .

Magugunitang pinalitan ni Catapang ang sinuspending si BuCor Director General Gerald Bantag dahil sa nahaharap ito sa kasong murder bunsod ng pagkakasangkot sa pagpatay sa journalist na si Percival Mabasa at detainee na si Jun Villamor.

Isang retirardong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines si Catapang kung saan mula ng maitalaga sa BuCor ay maraming mga kontrabando na ang kaniyang nakumpiska sa loob ng kulungan.