TACLOBAN CITY – Nakumpirma na nagpositibo sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) si Catbalogan City Mayor Dexter Uy.
Sa video mula sa kaniyang official page, sinabi ng 26-year-old mayor na nananatili ito sa isolation facility.
Ayon sa alkalde, dumanas ito ng lagnat, sipon, ubo at nawala rin ang panlasa at pang-amoy, na nag-udyok sa kaniya na magpa-swab test.
Nakumpirma naman sa pamamagitan ng ipinalabas na bagong resulta ng mga tinamaan ng COVID-19.
Posible umanong nakuha nito ang virus sa kaniyang paglibot-libot sa kanilang bayan para paalalahanan ang mga residente na sumunod sa health protocols.
Umapela naman si Uy sa kaniyang mga nasasakupan na manatili na lamang sa bahay kung walang importanteng lakad.
Nabatid na si Uy ang pinakaunang local government unit official sa rehiyon na nagpositibo sa COVID-19.