-- Advertisements --
Naglandfall na sa karagatang bahagi ng Western Australia ang malakas na bagyo.
Ang Severe Tropical Cyclone Ilsa ay tumawid mula sa Port Hedland na mayroong category five storm.
Matapos na ito ay maglandfall ay ibinaba ng mga otoridad ito sa Category three.
Inasahan na ito ay mananatili bilang tropical cyclone at tuluyang hihina hanggang sa araw ng Sabado.
Ilang oras bago ang landfall ay pinayuhan ng gobyerno ng Australia na lumikas at wala namang naitalang anumang pinsala ito sa lugar.
Itinuturing na ito na ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa northern Australia sa loob ng 14 na taon.