Nag-resign na bilang chief executive officer ng Cathay Pacific Airways si Rupert Hogg sa kabila ng mas lumalalang kaguluhan sa Hong Kong.
Ilang empleyado ng naturang airlines ang nakiisa sa protesta na isinagawa sa loob ng Hong Kong International Airport.
Nagbitiw din sa pwesto si Paul Loo, chief customer at commercial officer ng Cathay Airways.
Ang desisyong ito ay dulot na rin nang umano’y bigong pagkontrol ng mga ito na pigilan ang kanilang mga staff na makisali sa malawakang pag-aalsa.
“The Board of Directors believes that it is the right time for new leadership to take Cathay pacific forward,” saad sa statement na inilabas ng airline.
Itinuturing naman ni Hogg na isang karangalan ang pamunuan ang naturang airline sa loob ng tatlong taon.
“However, these have been challenging weeks for the airline and it is right that Paul and I take responsibnility as leaders of the company,” ani Hogg.
Itinalaga naman si Augustus Tang King-wing, 60, CEO ng maintenance and engineering company na Haeco, bilang bagong lider ng Cathay Pacific Airways.
Habang si HK Express CEO Ronald Lam-Siu naman ang pumalit sa pwesto ni Loo bilang chief customer and commercial officer.