Tulad sa mga nakalipas na taon, buhos ang mga Katoliko sa iba’t ibang simbahan sa buong bansa para sa tradisyunal na Palm Sunday mass.
Simula na ngayong araw ng Linggo ang Holy Week kung saan kanya-kanyang bitbit ng dahon ng palma ang mga nagsipagsimba na siyang bebendisyunan ng pari.
Sa panahon ng Semana Santa, inoobserbahan ng mga deboto ang pagsisisi sa mga kasalanan, gayundin ang pag-ayuno, pagdarasal, at patulong sa mga nangangailangan.
Sa isinagawang early morning mass sa Manila Cathedral, mismong si Archdiocese of Manila bishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nanguna sa pagbendisyon ng mga dahon ng palma.
Ginugunita ang Linggo ng Palaspas dahil sa “triumphal entry” ng Panginoong Hesus sa Jerusalem na siyang hudyat din ng unang araw ng Holy Week.