-- Advertisements --
cathy pacific plane

Epektibo umano ngayong araw ang ban sa airspace ng China ang biyahe ng Cathay Pacific na merong mga crew at piloto na sumama sa mga rallies sa Hong Kong.

Kung maaalala una nang naiulat noong nakaraang linggo na umabot sa mahigit 2,000 mga flight crews ang nakisali sa protesta sa airport.

Hindi naman ito nagustuhan ng Beijing kaya nag-anunsiyo ang Civil Aviation Administration of China (CAAC) para sa Hong Kong flagship carrier na simula ngayong Sabado ay hindi papayagang makalipad sa mainland ang kanilang eroplano na merong mga staff na nakisali sa “illegal protests” at “overly radical activities.”

Ayon pa sa regulator, simula rin daw sa Linggo dapat na ring magsumite ang airline sa identification details ng lahat na aircrew.

Ang sinuman daw na flights na walang pag-apruba ang CAAC sa listahan ng crew ay hindi maaaring makagamit sa Chinese airspace.

Nangangamba naman ang ilang observers na ang naturang mabigat na utos ng Beijing ay magsisilbing babala sa Hong Kong business community na hindi sila dapat makisama o magsuporta sa mass rallies.

Samantala, mula kahapon ay itinutuloy ng mga protesters ang pagsasagawa rin ng demonstrasyon sa airport upang ipaalam ito sa mga turista at mga bisita ang kanilang mga ipinaglalaban.

Gayunman sa nakalipas na magdamag komonti na lamang ang kanilang bilang at inaasahang bubuhos muli sila sa ilang kalsada para sa tatlong araw na kilos protesta na tatagal hanggang Lunes.

Ito na ang ika-10 linggo na isinasagawa ang protesta kahit iniurong na ang pinag-ugatan ng pagkilos dahil sa kontrobersiyal na extradition bill na unang isinulong ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.