-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Naka-full allert status na ngayon ang mga personnel ng Caticlan Airport Police Station sa Malay, Aklan sa nakaambang pagbuhos ng mga turista at bisita patawid sa isla ng Boracay.

Ayon kay Patrolman Lhar T. Talaga, Asst. PCR PNCO ng Caticlan Airport Police Station, inaasahang madagdagan pa ang mga flights ng airline companies sa Godofredo P. Ramos Airport dahil ito ang pinakamalapit na paliparan upang mapadali ang byahe patawid sa Boracay.

Kinumpirma ni Patrolman Talaga na kabuuang 84 flights ang mayroon sa nasabing paliparan kabilang na ang international flight na may byaheng Taiwan bawat araw.

Ang naturang byahe ng mga eroplano ay posible pang madagdagan dahil sa peak season na ngayon at ang Boracay ang isa sa mga nangungunang bakasyunan ng mga turista.

Nasa limang libong pasahero bawat araw ang lumalapag sa paliparan kung kaya’t palagi silang nasa mataas na alerto upang mabigyan ng ligtas na byahe ang mga travellers.