KALIBO, Aklan—Isinailalim sa hightened alert status ang buong hanay ng Philippine Coast Guard Western Visayas hanggang sa Abril 10 upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga manlalakbay na dadaan sa karagatan ng rehiyon ngayong Semana Santa.
Sa katunayan ayon kay Coast Guard Commander Jansen Benjamin, tagapagsalita ng PCG Western Visayas, mahigpit na binabantayan ngayon ang Caticlan Jetty Port dahil sa unti-unting pagbuhos ng mga biyahero at turista.
Dagdag pa ni Benjamin na nagdagdag sila ng augmentation force sa lugar bilang isang priority port ngayong panahon.
Ideneploy ang mga ito sa port passenger terminal upang makatulong na mapanatili ang peace and order at ma-double check ang sea worthiness ng passenger vessels.
Nabatid na ang Caticlan Jetty Port ay ang daanan ng mga Roll-on, Roll-off vessels papuntang Batangas, Mindoro at Romblon vice versa.