KALIBO, Aklan—Naghahanda na ang pamunuan ng Caticlan Jetty Port at iba pang law enforcement agency sa nalalapit na long weekend dahil sa Semana Santa kung saan, inaasahan ang pagbuhos ng mga bisita at turista na tatawid sa isla ng Boracay.
Ayon kay Jean Pontero, Special Operation Officer VI ng Caticlan Jetty Port, kaugnay ito sa kanilang Oplan Ligtas Byahe upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga byahero.
Maglalagay aniya sila ng assistance desk para sa mga travellers upang may malapitan at matanungan ang mga ito sakaling may mga reklamo o anumang concerns sa kanilang paglalakbay.
Dagdag pa ni Pontero sa bawat araw hay hindi bababa sa limang libong indibidwal ang pumapasok at lumalabas ng Boracay na inaasahang tataas pa sa mga susunod na araw.
Sa huling datos, nakatala ang Malay Municipal Tourism Office ng kabuuang 134, 604 na turistang bumisita sa isla mula March 1-23.
Kinabibilangan ito ng domestic tourist na umabot sa 106,004; foreign tourist na nasa 25, 496 at Aklanon na 3,104.