-- Advertisements --

Napili sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves na maging host ng Binibining Pilipinas coronation night.

Sa kaniyang social media account nagpost ng larawan si Gray kasama si Cordoves na nakasuot ng itim na swimsuit.

Itinturing nila ang sarili bilang “first all-female hosting tandem” sa kasaysayan ng Bb. Pilipinas.

Matapos kasi ang ilang pagkakaantala dahil sa COVID-19 pandemic ay matutuloy na sa darating na Hulyo 11 ang coronation night na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Sa nasabing pageant ay kokoronahan ang magiging Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas Intercontinental at Binibining Pilipinas Globe.