-- Advertisements --
catriona gray

Bukas umano ang pintuan ni Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray upang magsilbi bilang reservist sa Armed Forces of the Philippines.

Nagtungo ngayong araw ang Filipina beauty queen sa AFP’s General Headquarter sa Camp Aguinaldo para sa kaniyang courtesy visit.

Ayon kay Catriona, magandang hakbang daw ito upang magbalik loob sa kaniyang minamahal na bansa.

Sa ilalim ng AFP Reservist Act of 1991, nakamandato rito na kinakailagan magsilbi ng mga reservist sa oras na kumaharap ang AFP sa gyera, invasion o rebellion. Maging ang tumulog sa relief and rescue sa oras ng kalamidad.

Sa ngayon ay hindi pa raw nakakapag-desisyon ang beauty queen kung anong service branch ang nais niyang tahakin.

“I don’t know. I have to research first,” ani Gray.