Ibinunyag ni Catriona Gray na ito ay sumailalim sa liposuction.
Sinabi ng dating Miss Universe, nakatulong ito para mapalakas ang kaniyang confidence.
Inilabas nito ang video sa social media account niya kasama ang celebrity doctor na si Vicki Belo.
Kasabay din nito sa video ang kapwa beauty queen na sina Michelle Dee at Celeste Cortesi.
Dagdag pa ni Catriona na sinubukan na niya noon an magpa-lipo sa likod ng kaniyang braso at ngayon ay toning at tightening ang kaniyang goal.
Maging si Cortesi ay inamin niya na nagpa-lipo siya bago magtungo sa US para sa Miss Universe pageant.
Habang si Michelle ay sa kaniyang beywang pero maliit na bahagi lamang.
Magugunitang ilang mga local celebrities na rin ang umamin na nagpa-lipo gaya nina Janella Salvador, Alodia Gosiengfiao, at Angeline Quinto.
Ang liposuction ay isang uri ng cosmetic procedure na pagtanggal sa mga unwanted fats sa ilang bahagi ng katawan.