Muling itinalaga ng National Commission for Culture and the Arts si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang arts ambassador ng ahensiya sa ikalimang pagkakataon. Kaugnay ito ng nalalapit na selebrasyon ng National Arts Month ngayong Pebrero.
Ayon kay Catriona, ang arts ay essential at isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa sining ay naibabahagi umano ng mga Pilipino ang kasaysayan at kultura sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika.
Inilabas na rin ng National Commission for Culture and the Arts ang mga aktibidad sa paparating na National Arts sa Month sa susunod buwan na may temang “Bayang Malikhain.”
Para kay NCCA Chairman Victorino Manalo, ang tema ay magse-sentro sa mahalagang papel ng komunidad sa paghubog ng talento sa sining ng isang Pilipino.
Magkakasa ng mga aktibidad ang NCCA sa iba’t ibang larangan ng sining gaya ng pelikula, pagsayaw, musika, literary arts, at iba pa.